PINAY DH NAKA-CONFINE DAHIL SA COVID

SAUDI ARABIA

SAUDI ARABIA-GINAGAMOT ngayon ang isang Pinay domestic helper nang magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sa Dammam.

Sinabi ng isang Filipino nurse sa isang ospital doon na nasa maayos na kalagayan ang nasabing Pinay worker ngunit nananatili pa itong naka-confine upang matiyak na makaka-recover ito nang maayos mula sa nasabing sakit

Idinagdag pa nito na dahil sa lumalalang sitwasyon ng COVID- 19 sa nasabing bansa, nagdesisyon ang Saudi government na ipasara muna sa loob ng 16 na araw ang mga business establishments sa buong Saudi ngunit tanging ang mga grocery stores at ospital lamang ang magbubukas para sa publiko. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “PINAY DH NAKA-CONFINE DAHIL SA COVID”

Comments are closed.