PINAY DH NAOSPITAL DAHIL SA BUGBOG 

bugbog

SAUDI ARABIA- NAKA-CONFINE ngayon ang isang Bicolana na domestic helper makaraang bugbugin umano ng kaniyang amo sa Riyadh.

Ang biktima na kinilala lamang bilang Mrs. Avila ay tubong Calabanga, Camarines Sur.

Ipinagbigay-alam ng isang Filipino nurse ang na­ging kalagayan ni Avila sa pamilya nito sa Filipinas.

Nagpadala umano ng larawan ang nasabing nurse sa kondisyon ng nasabing Pinay habang nasa ospital na nagpapakita na marami itong sugat at pasa sa katawan.

Si Avila ay walong buwan pa lamang nagtrabaho sa Riyadh.

Sa ngayon, nakipag-ugnayan na aniya ang lokal na pamahalaan ng Calabanga sa Overseas Workers Wel-fare Administration (OWWA)-Naga para matulungang maiuwi na sa bansa ang nasabing OFW.

Comments are closed.