BAHRAIN – ISA na namang Filipino domestic helper ang namatay sa tahanan ng kaniyang pinaglilingkuran at sa pagkakataong ito ay sa nasabing bansa.
Nabatid na natagpuan ang hindi pinangalanang biktima na nakabigti sa kaniyang kuwarto sa nasabing Arab country.
Ang 37-anyos na Pinay ay gumamit ng lubid at pinaniniwalaang nag-suicide.
Nakikipag-ugnayan na ang Philippine foreign authorities sa Bahrain upang ma-contact ang pamilya ng biktima na nasa probinsiya ng Quezon.
Patuloy pa ring inaalam ng Department of Foreign Affaris ang sanhi ng pagpapakamatay o kung may foul play sa insidente. AIMEE ANOC
Comments are closed.