KOWLOON – DUDA ang pamilya ng domestic helper na si alyas Felisa sa umano’y pagpapakamatay nito sa pamamagitan ng pagbigti sa Hong Kong.
Ayon sa kapatid ng OFW na si Jane, nakarating sa kanilang ulat na nagbigti ang biktima noong Pebrero 2.
Gayunman paiba-iba ang statement ng employer ni Jane kaya duda sila kgung ano ba talaga ang totoong pagkamatay ng domestic helper.
Sinasabing nagbigti umano sa kuwarto si Felisa o Jeck nang makita ito ayon sa report ng employer nito sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Habang nakitang nakahiga naman sa sahig na wala nang buhay ang sinabi ng mismong employer sa kaanak ng biktima.
Sinabi ni Felisa na dahil magkaiba ang report sa DFA at sa kanila ng employer ay hindi nila alam kung ano ang totoong paniniwalaan na kinamatay ng kapatid dahil noong Enero 31 lang ay masaya pa itong nakipag-video call habang noong Enero 14 lang nang umalis sa Filipinas para bumalik sa Hong Kong.
Nasanay na rin aniya ang kanilang pamilya at mga kaibigan nito sa palagiang pag-post ng hugot o pagkabigo sa social media dahil may kasintahan itong nasa Jordan.
Ngunit sa huling post ni Felisa sa kanyang Facebook account ay sobrang depressed ito at nagpahiwatig ng pagsuko.
Humingi na sila ng tulong sa DFA at Overseas Workers Welfare Adminisration (OWWA) para mapadali ang repatriation ng labi nito habang wala pa rin silang pinal na desisyon kung sa Hong Kong o dito sa Filipinas ito ipapa-autopsy. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.