PINAY DH SA SINGAPORE WALA MUNANG DAY OFF

Kasambahay

CHANGI – PINAIGTING pa ang pag­hihigpit ng mga employer sa kanilang mga kasambahay na huwag basta lumabas dahil sa banta ng COVID-19 o novel coronavirus disease.

Ilan sa mga Filipino domestic worker ang nagsabi na hindi na sila pinapayagang lumabas upang makaiwas sa pagkakasakit.

Itinaas na rin ng Singaporean government sa ikalawang pinakamataas na alerto laban sa novel coronavirus.

Umaaray na rin ang isang store mana­ger ng clothing brand makaraang bumaba ng 70% ang kanilang sales.

Dahil naman sa maraming tanggapan ang nagbawas ng oras, napipilitan ang mga OFW na gamitin ang kanilang leave credits para maging buo ang suweldo.

Sa record, umabot na sa 106 ang COVID-19 cases sa Singapore at 74 ay na-discharge, 32 ang naka-confine sa ospital at pito ang nasa intensive care units. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.