PASAY CITY – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipina domestic helper sa Saudi Arabia ang nasawi makaraang malason.
Kasabay nito ay tiniyak ng DFA sa pamilya ng 44-anyos na si Emerita Gannaban na iimbestigahan nila ang pagkamatay ng biktima maging ang alegasyon na minaltrato ito ng amo.
Dumating sa Saudi si Gannaban noong Hunyo subalit binawian ng buhay sa Prince Mohammed bin Abdulaziz Hospital sa Riyadh noong October 29.
Nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa pamilya ng OFW maging sa employer at recruiters nito sa Filipinas at Riyadh para sa repatriation ng kanyang bangkay kapag inilabas na ang resulta ng isinagawang autopsy. EUNICE C.
Comments are closed.