SUMANDIG si Yuka Saso sa phenomenal final round upang magwagi sa NEC Karuizawa at gumawa ng kasaysayan bilang unang Pinay na nakasikwat ng titulo sa Japan LPGA Tour.
Sinelyuhan ni Saso, ang reigning Asian Games singles ladies champion, ang matikas na performance sa Karuizawa Golf North Course, Nagano Prefecture, sa pagkamada ng tournament-best 9-under 63.
Sa kabuuan, ang Tour rookie ay tumapos ng 16-under 200 at 4 shots ang kalamangan sa field sa 3-round competition, na ikalawang event pa lamang niya sa Japan circuit.
Sa panalo ay nagsubi ang Pinay golfer ng 14.4-million-yen (P6.58-million) champion’s purse.
Comments are closed.