BUMANAT si Yuka Saso ng Filipinas ng come-from-behind performance sa Keney Park Golf Course sa Hartford, Connecticut upang angkinin ang 2019 Girls Junior PGA Championship.
Tumapos si Saso, naghabol kay Rose Zhang ng isang stroke papasok sa final round, na may 3-under 67 upang magtapos sa 14-under para sa kampeonato, dalawan strokes ang agwat kay Jensen Castle.
“Winning in the United States is really special,” wika ni Saso, na tumapos na tabla sa ika-6 na puwesto sa Girls Junior PGA noong nakaraang taon. “It’s really hard to do since I live in Asia. I’m just really happy and thankful.”
Tangan ni Zhang, ang 2017 champion, ang solo lead sa malaking bahagi ng championship, subalit ang back-to-back bogeys sa holes 5 at 6 ang nagpahulog sa 16-year-old mual sa Irvine, California, sa tie para sa unang puwesto kina Castle at Melanie Green sa 10-under.
Si Saso ay nakilala sa sports sa Filipinas sa 2018 Asian Games nang makopo ang kauna-unahang gold medal ng bansa kapwa sa women’s individual at women’s team event.
Sa panalo ay naisubi ni Saso ang Patty Berg Trophy at kung mapananatili niya ang kanyang amateur status, magkakaroon siya ng puwesto sa 2nd Augusta National Women’s Amateur sa Abril.
Comments are closed.