PINAY KART RACER SASABAK SA FIA GIRLS ON TRACK RISING STARS

ISANG 16-year-old Filipina kart racer ang magpapasiklab sa international circuit.

Nakatakdang umalis si Bianca Bustamante, na nagsimulang kumarera noong siya ay 5-anyos, patungong France upang sumabak sa FIA Girls on Track Rising Stars sa pamosong Circuit Paul Ricard track malapit sa Marseille.

Siya ang tanging Asian sa 14 female drivers sa senior category.

Isasagawa ang isang three-day shootout sa October 21-23 sa Circuit Paul Ricard track para sa preliminary round, kung saan ang top eight finishers ay aabante sa training camps para sa karting at F4 racing.

Ang top four sa bawat grupo ay dadalo sa prestihiyosong Ferrari Driver Academy. Nakataya sa camp ang isang puwesto sa International Karting season na may suporta mula sa Ferrari.

“It’s a dream come true. I’ve worked really hard for this,” wika ni Bustamante sa online forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) noong Martes.

Sinabi ni Bustamante na inihahanda na niya ang kanyang sarili “mentally and physically” makaraang makuha ang slot. Basta pinapayagan ng  quarantine protocols ay nagsasanay siya sa Clark International Circuit.

“it’s a bit difficult (pandemic) but I’ve been preparing really hard. I’ve been training all my life,” anang young karter na pangarap na maging isang F1 racer balang araw. Siya ang reigning Philippine Driver of the Year in Karting.

131 thoughts on “PINAY KART RACER SASABAK SA FIA GIRLS ON TRACK RISING STARS”

  1. Quality content is the key to be a focus for the people
    to go to see the web site, that’s what this web site is providing.

Comments are closed.