PINAY NA ISTRANDED SA RUSSIA DAHIL SA PANDEMYA NAKAUWI NA

MAKARAAN ang apat na taon, nakauwi na sa Pilipinas ang overseas Filipino worker na naipit o na-lockdown sa Moscow, Russia dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) at sinabing na nakabalik na sa kanyang pamilya ang babaeng OFW.

Ang naturang Pinay ay naging undocumented dahil hindi nakapag-renew ng kanyang visa noong COVID-19 pandemic.

Batay sa record, Abril 2014 nang pumasok ang OFW sa Russia bilang household service worker at yaya subalit noong panahon na dapat ire-renew nito ang kanyang visa ay ipinatupad naman ang lockdown sa halos lahat ng bansa dahil sa pandemya.

Habang naghihintay ng repatriation, nagtrabaho muna siya bilang part-time.

Sinagot naman ng Philippine Embassy sa Russia ang gastusin sa pagpapauwi sa kanya sa Pilipinas.

EUNICE CELARIO