Pinay na may Alopecia sikat na model na

SA  halip maging disadvantage, napakinabangan ni Halle Berry Gomez ang kanytang kakaibang kindisyon sa catwalk.

Sa dami ng mga glamorosong babae sa Pilipinas, mamumukpd-tangi ang babaing may kakaibang ganda. In this day and age, kailangang malampasan ang hamon ng industriya ng modelling upang magkaroon ng pangalan.

Ganyan ang nangyari kay Halle Berry Gomez, isang runway model na may sakit na alopecia. Ang alopecia o pagkalagas ng buhok ay nakaaapekto sa anit at sa buong katawan, at pwedeng maging temporary lamang o permanente. Pwedeng hereditary ito, dahil sa hormonal changes, pwede ring medical conditions o normal na bahagi lamang ng pagtanda. Lahat ay pwedeng magkaroon ng hair loss, ngunit mas madalas na kalalakihan ang nakararanas nito.

Sa kaso ng 18-year-old na si Halle Berry, hindi ito naging sagabal sa kanyang career bilang ramp model. Sa halip, naging tuntungan pa niya ito upang mas makilala. Patunay umano itong sa bawat pagsubok, lakas ng loob lamang ang kailangan upang magtagumpay. NLVN