PINAY NA NAKALIGTAS SA DEATH SENTENCE PAUWI NA

Jennifer Dalquez

PASAY CITY – MAKARAAN ang apat na taong pagdurusa sa kulungan sa United Arab Emirates at makaligtas sa bitay, pauwi na ang overseas Filipino worker (OFW) na si ­Jennifer Dalquez nang mapawalang bisa sa kasong murder.

Ito ang inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Si Dalquez ay hinatulan ng kamatayan noong 2015 nang matukoy na guilty sa pag­paslang sa kanyang amo subalit na-aquit noong 2017 at hindi na hiningan ng blood money kung saan kahapon ay napalaya na mula sa kulungan.

“The Department has been informed by Ambassador to Abu Dhabi Hjayceelyn Quintana that UAE authorities are coordinating with the Philippine Embassy for Jennifer’s flight home this evening,” ayon sa DFA.

Si Dalquez na tubong General Santos City, ay inaresto noong December 12, 2014 nang kaniyang saksakin ang among lalaki na umano’y tinangka siyang gahasain habang nakatutok ang patalim.

Hinatulan siya ng kamatayan ng Al Ain Court of First Instance noong May 20, 2015, su­balit binigyan ng pagkakataon sa ilalim ng Islamic law na mababaliktad ang desisyon sakaling hindi manumpa kay Allah ang anak ng biktima na pinatay ng OFW ang kaniyang ama.

Nabigo rin ang mga anak ng biktima na dumalo sa mga pagdinig na kinakailangan ng korte kaya naman napawalang sala si Dalquez. EUNICE C.

One thought on “PINAY NA NAKALIGTAS SA DEATH SENTENCE PAUWI NA”

Comments are closed.