USA – MAKARAAN ang brutal na pagkamatay ng overseas Filipino worker na si Joana Demafeliz sa Kuwait na natagpuan sa freezer noong isang taon, isa na namang Pinay ang biktima ng kahalintulad na insidente sa Texas.
Gayunman, ang pagpatay kay Alyssa Marie Rogers ng umano’y kaniyang mister ay bunsod ng pakikipaghiwalay nito dahil sa physical abuse.
Natagpuan ng mga pulis ang labi ni Alyssa sa bahay ng kaniyang mister na si Eduard Rogers sa Texas makaraan ang ilang araw na paghahanap sa kaniya.
Batay sa record, nagtungo ang mga pulis sa bahay ni Rogers nang makatanggap ng ulat na nawawala ang Pinay.
Sa nasabing bahay ay natagpuan din ang labi ni Eduard na nagbaril sa sarili.
Ang dalawa ay nagkakilala sa online dating hanggang magpakasal.
Gayunman, nagsumite ng divorce petition ang Filipina dahil sa umano’y pananakit ni Eduard.
Sa imbestigasyon ay nalaman din ng mga pulis na inamin ni Eduard sa mga kaibigan nito na kaniyang inilagay sa freezer si Alyssa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.