PASAY CITY – NAKAUWI na ang Pinay domestic helper na biktima ng sexual abuse sa kamay ng kaniyang amo sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na umalis na si alyas Jenny sa bahay ng kaniyang amo sa Taif noong Martes ng gabi at batay sa exact time of arrival nito ay nakabalik na sa Pilipinas noong Miyerkoles.
Sa report, hindi tinanggap ni Jenny ang alok ng kanyang amo na SAR10,000.
Pinasalamatan naman ni Jenny ang Philippine Consulate at ang mga grupong Kaagapay ng Bawat OFW sa pagsasalba sa kanya makaraang umapela ng tulong.
“Mabilis kumilos ang ating Consul General na si ConGen Edgar Badajos. Inilapit lang natin ito nung ilang araw pa lang tapos kinabukasan na-rescue agad,” ayon kay Orly Portugal, Kaagapay coordinator. FROI MORALLOS
Comments are closed.