SAUDI ARABIA – MASAYANG ibinalita ni Graynne Angel Edralin Sicam-Panitan na siya ang kauna-unahang Filipina na nabigyan ng driver’s license sa bansang ito.
“Masayang-masaya ang pakiramdam na nakakuha na ako ng Saudi license. Sobrang saya po ang pakiramdam and excited at the same time,” ayon kay Graynne.
Naging viral din sa social media ang pagmamaneho ni Graynne sa Saudi Arabia kung saan mahigit 31,000 na ang views at 566 shares.
Sinabi ni Graynne, 37-anyos, nakuha niya ang kanyang lisensiya noong July 17, isang buwan makaraang mag-apply siya.
Aniya, pinayagan siya ng kanyang mister na mag-drive agad makaraang mabigyan ng lisensiya.
Bagaman hindi siya ang unang babaeng Pinoy na nakapag-drive, siya umano ang unang nabigyan ng lisensiya.
Noong Hunyo ay nagdesisyon ang Saudi Arabia na alisin ang kanilang ban sa mga babaeng motorista na nangangahulugang allowed na ang kababaihan na magmaneho. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.