Bakit nga ba hindi mamahalin ng mga Pinoy si Michael Bublé kung nagpapakita rin siya ng respeto sa atin?
Believe it or not, binigyan niya ng bahay ang Filipina caregiver sa Vancouver dahil ito ang dying wish ng kanyang Lolo Demetrio.
Si Minette ang maswerteng nurse na nag-alaga sa lolo ni Buble ng walong taon, at bilang pasasalamat nang mamatay ito, niregaluhan nga siya ng newly-renovated home sa Canada para raw hindi na magbabayad ng renta.
Ani Bublé, “I think my grandpa would be thrilled knowing that we could maybe lessen the burden a little bit in allowing Minette to continue helping her family without it being so hard on her.”
Personal na inayos ni Michael Bublé ang bahay bago niya ito ibinigay kay Minette. Ito kasi ang dating bahay ni Lolo Dementio kaya ipina-renovate muna niya.
Ayon kay Bublé, napansin ni Lolo Dementio na halos lahat ng sweldo ni Minette ay ipinadadala niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
Aniya, napamahal si Minette kay Lolo Dementio dahil siya ay “really compassionate, kind empathetic human being with a great sense of humor, a great zest for life, who sort of never did anything for herself.”
Naaalala pa umano ni Buble na madaling nagkahulugan ng loob ang caregiver at ang pasyente kahit pa noong una ay ayaw talaga ni Lolo Dementio na mag-hire ng tagaalaga. Sa maikling panahon, agad umanong parang naging kapamilya na nila si Minette.
Ani Bublé, itinayo ng kanyang lolo ang bahay na ipinamana kay Minette noong 1970s at nakita niya sa loob ng walong taon, na hindi lamang siya kundi ang bahay din ang inalagaan ni Minette kaya deserve daw nitong mapasakanya ito.
“The greatest moments of my life happened here,” sabi pa ni Buble. “The songs I learned and the style of music I fell in love with, they all happened her.
Nasorpresa naman si Minette sa kanyang bagong bahay dahil walang nabanggit si Buble tungkol dito.
“’It is so much, really, really so much. I have no words right now. It hasn’t sunk in yet. It’s beautiful, beautiful,” ani Minette.