PINAY NURSE LIGTAS SA ITALY TRAGEDY

Italy bridge

GENOA CITY – MALAKI ang pasasalamat ng isang Pinay nurse dahil hindi ito napabilang  sa 20 kataong natabunan at patuloy na pinag­hahanap ng mga emergency worker sa Italy matapos ang pagguho ng Morandi motorway sa Genoa City.

Tubong La Union at nagtatrabahong nurse sa Ospedale, San Martino sa Genova, nananatili sa government hospital ang 16 na katao na nasa kritikal na kondisyon habang anim ang stable na ang kalagayan ngunit nasa emergency room pa rin.

Nabatid na pawang turista ang mga ito na mula sa France, Romania at Albania, na nag­habol ng departure ng barko sa Genoa port na patungo sa ibang European countries nang ­mangyari ang insidente.

Samantala, “miracle” aniya at mistulang pag­liligtas ng Diyos sa aksidente ang pag-file niya ng sick leave sa mismong araw ng collapse.

Kuwento ng Pinay na ‘di nagpabanggit ng pangalan,  20 taon aniya na pagtatrabaho sa lugar, araw-araw siyang dumadaan sa motorway lulan ng pagmamay-aring sasakyan sa kaparehong oras din nang pagbagsak ng tulay.

Nabatid na dinala ang mga nasugatan sa “bridge collapse” sa Ospedale Villa Sassi at sa pinagtatrabahuang ospital ni Tanguilig.

Nitong Agosto 14 dakong alas-11:00 ng tanghali, oras sa Italya, nang bumigay ang 200 metrong bahagi ng tulay na nagresulta sa pagkamatay ng mahigit sa 30 katao at maraming nasugatan matapos mahulog ang mga sasakyan sa taas na 45 metro.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.