PINAY NURSE SA UK PINARANGALAN

KABILANG  ang isang Filipina nurse sa ginawaran ng parangal sa United Kingdom.

Ginawaran ng parangal ni Queen Elizabeth II ang mga health service worker sa UK kasama ang Pinay nurse na si May Parsons.

Ibinigay ni Queen Elizabeth II ang George Cross award sa National Health Service bilang pagkilala sa kanilang ginampanan sa COVID-19 vaccine rollout sa UK.

Ang George Cross ang pinakamataas na non-military award na ibinibigay ng British government.

Si Parsons ang nag-administer ng kauna-unahang bakuna kontra COVID-19 na naiturok sa buong mundo. LIZA SORIANO