ISANG matagumpay na CEO at Founder ng isang award winning international travel and tourism agency na naka-base sa Gitnang Silangan na tangan ang isang malawak na karanasan bilang isang lider na handang makinig at tumanggap ng mga makabuluhang ideya ay nominado sa “The Asia Leader Awards 2022” sa kategoryang ‘Woman of Substance Finalist’.
Si Malou Quinto Prado, 45-anyos ay ipinanganak sa makasaysayang lalawigan ng Cavite.
Nag-aral sa elementarya sa Ligtong, sekondarya sa Rosario Institute.
Estudyante pa lamang si Malou ay nakitaan na ito ng husay, galing, at determinasyon sa sarili na siyang kinabibiliban ng kanyang mga kaklase at mga guro.
Tulad ng marami, ang kanyang mga magulang ay naniniwala na ang edukasyon ang susi upang makabangon sila sa kahirapan.
Upang matustusan ang mga gastusin sa kolehiyo, tinutulungan niya ang kanyang ina sa pagbebenta ng “Tinapa” sa palengke.
Sa kanyang matibay na determinasyon at pagpupursige ay nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration sa Lyceum of the Philippine University – Manila.
Kalaunan, nakapagtrabaho sa bansang Taiwan kung saan niya na kilala ang kanyang asawang si Roberto Prado.
Kagaya ng maraming Pinoy, patuloy siyang umaasa na ang pagtatrabaho sa ibang bansa ang makakapagbigay sa kanyang pamilya ng mas maluwag na buhay.
Naglakas-loob na pumunta sa United Arab Emirates dala ang Tourist Visa na hindi naging madali ang kanyang mga unang buwan sa Gitnang Silangan.
Namasukan siya bilang isang Hotel Helper, Cleaner, Food Server at marami pang iba, matustusan lamang ang kanyang mga gastusin at mga bayarin habang nakikipagsapalaran sa dayuhang bansa.
Matapos ang ilang panahong pagtityaga at pagpupursigi, isang kliyente sa kanyang dating trabaho ang nag-alok na magbenta ng UAE Visa at Ticket.
Maliit lamang ang kanyang kinikitang komisyon sa trabahong ito ngunit hindi niya namamalayan ang patuloy na paglaki ng kanyang koneksyon sa ganitong larangan.
Hanggang isang kaibigang Arabo ang nag-alok sa kanya na magpatakbo ng isang kumpanya.
Dito nagsimula na mag-apoy ang kanyang pangarap na makaahon sa kahirapan habang inaalala ang mga pagsubok na dinaanan niya noong bagong mukha pa lamang siya sa UAE.
Tinanggap niya ang alok ng kanyang kaibigan at dito sinimulan niya ang kanyang karera bilang isang negosyante sa UAE.
Taong 2013, nakipagsosyo siya sa mga investor upang makatulong sa kanyang negosyo. Patuloy siyang nakikipag-usap sa nais mamuhunan sa kanyang negosyo, pinapaliwanag ang mga serbisyo na kanilang maibibigay at ang kaibahan nito sa kanilang mga kakumpitensiya.
Sa taon din iyon, inilunsad niya ang kanyang sariling negosyo, ang MPQ TRAVEL AND TOURISM LLC.
Lumawak din ang sakop ng kanyang Travel Agency na sa kasalukuyan ay nagbibigay ng oportunidad hindi lamang sa mga Pinoy na makapag-bakasyon sa ibat ibang bansa gaya ng France, Italy at Austria sa abot kayang halaga.
Ilan lamang sa mga karangalan na nakuha ni Malou bilang CEO at Founder ng MPQ Travel and Tourism
LCC ay ang mga sumusunod:
• Filipino owned travel agency sa USA
• Nag iisang Filipino owned Travel Agency sa United Arab Emirates
• Silver Award, Best Travel Company of the Year 2018 – Hospitality Excellence Middle East and Africa
• Nominated Best Travel Agency of the Year in Middle East Hospitality Excellence Awards 2018
• Awarded Best Friendly Travel Agency of The Year 2018 by the Filipino Times
• Awarded Filipino Travel Agency of the Year 2017 by the Filipino Times
• Awarded Friendly Consumer Travel Agency of The Year 2016
• 100 Most Influential Filipinos in the Gulf Brand Champions 2017 by Illustrado Magazine
• TheOnly Filipino Travel Agency recognized by Fly Dubai Airline
• Top 40 Successful Filipinos in the UAE Featured along with 39 achievers in a 168-page book “Behind the Domes of Majestic Mosques: The Untold Success Stories of Filipinos in the United Arab Emirates.”
By Ulysses V. Espatero Filipino Achiever: Featured in Kabayan Weekly and Kabayan of the Month, January 2017.
Tunay na ang Pinoy ay may kakaibang lakas at talinong maipagmamalaki saan mang ibayo mo dalhin. Ang dedikasyon ay laging kaugnay sa ating mga pangarap. At ang ating mga pangarap ay nakaugat sa ating dedikasyon. SID SAMANIEGO