PINAY OFW SA ISRAEL PATAY SA COVID-19

DFA

KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang 65-anyos na Pinay ang nasawi dahil sa COVID-19 virus sa Tel Aviv, Israel.

Ito ang kauna-unahang Pilipino na nasawi  noong  Agosto 23  sa naturang bansa matapos tamaan ng naturang virus.

Sa tala ng embahada ng Pilipinas sa Israel, sa 46 Pinoy na nandoon, 39 ang nakarekober  at pinalabas na mula sa mga ospital at quarantine facilities.

Gayunpaman, patuloy na minomonitor at binibista ng mga tauhan ng embahada ng Filipinas ang mga Pinoy na apektado ng virus at may ayudang $200 na ipinagkakaloob ang OWWA.

Para rin ito sa 588 Pinoy workers na nawalan ng hanap-buhay dahil sa pandemic bukod pa sa food packs/groceries, gamot,  vitamins, surgical masks at guwantes na ipinamamahagi.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Israel’s Population at Immigration Authority (PIBA) sa pag-aayos ng Voluntary Repatriation Program (VRP) para sa mga overstaying na Pilipino.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv sa mga mababait na kababayan na hindi tumitigil sa pagbibigay ng suporta at tulong sa mga Pinoy na naapektuhan ng lockdown dulot ng COVID-19. LIZA SORIANO

Comments are closed.