PINAY SA SWEDEN BINUGBOG HANGGANG MAPATAY NG MISTER

SWEDEN

PASAY CITY – IBINULGAR ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Filipino ang binugbog hanggang mapatay ng kanyang mister.

Kinilala ang biktima na si Mailyn Conde Sinambong habang ang kaniyang mister ay si Steve Abou Bakr Aalam, 50-anyos, na isang actor-director.

Kinasuhan na ng murder si Aalam at nasa kustodiya na ito ng awtoridad, ayon sa DFA

Si Sinambong, 28-anyos, may dalawang anak, ay napatay noong September 23 sa kaniyang bahay sa Kista, northwest ng Stockholm.

Ipinaalam na rin ni Philippine Ambassador to Norway Jocelyn Batoon-Garcia sa mga kaanak ni Sinambong sa Filipinas ang sinapit nito habang nagpahatid na rin ng pakikiramay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Isinagawa na rin ang isang memorial Mass na inorganisa ng Philippine Embassy sa Oslo sa pakikipagtulungan sa Filipino priests at sa Filipino community sa Stockholm sa Heliga Trefaldighets Catholic Church.  PILIPINO Mirror Reportprial Team