PINAY SUGATAN SA KARAMBOLA NG 7 SASAKYAN

karambola

KAZAKHSTAN – ISA ang Pinay sa 27 na nasugatan nang magkarambola ang pitong sasakyan sa Astana.

Sa ulat  ng Department of Foreign Affairs (DFA) naganap ang multiple-vehicle collision noong Martes kung saan nagsalpukan ang tatlong buses, dalawang kotse at isang ambulansiya.

Dalawa sa mga biktima ang napaulat na nasawi.

Kinilala naman ang biktima na nasugatan na si Jennifer Francisco Lavapiez  habang ipinaalam agad ng Philippine Embassy na nakabase sa Russia ang pagkaaksidente ng Pinay sa DFA sa pamamagitan ng social media.

“The Embassy is monitoring her situation and is coordinating with its contacts in Kazakhstan in following up with the bus company on their support for the victims of the collision,”  ayon sa DFA.

Samantala, nasa maayos nang lagay si Lavapiez na ngayon ay patuloy na ginagamot sa isang ospital sa Astana.            AIMEE ANOC

Comments are closed.