NAKOPO ng magkapatid na Kyla at Kayla Richardson at ni Alyanna Nicolas ang silver medals sa Taiwan Athletics Open noong Linggo, Mayo 26.
Sina Kyla at Kayla ay kapwa nagtapos sa ikalawang puwesto sa 100 at 200 meters, ayon sa pagkakasunod, habang pumangalawa rin si Nicolas sa pole vault.
Naorasan si Kyla ng 11.89 seconds sa likod ni Hong Kong veteran On Ki Lam, na nagtala ng 11.86 seconds. Pumangatlo si Pakdee Kwarantai ng Thailand na may 11.90 seconds.
Umatras si Filipina Kristina Knott, na naorasan ng 12.04 sa heats, sa 100 meters finals makaraang makaranas ng discomfort.
Kinapos naman si Kayla sa gold nang tumapos sa oras na 24.17 seconds, mas mabagal kay Singapore bet at 2015 Southeast Asian Games 200 meters champion Veronica Shanti Pereira na may 24.05 seconds.
Nagkasya si Hong Vai Poon ng Hong Kong sa ikatlong puwesto na may 25.51 seconds.
Samantala, nagtala si Nicolas ng 4.00 meters sa likod ni Yi Ji Shen ng Taiwan na may 4.12 meters para sa gold.
Isa pang Pinay, sa katauhan ni Evalyn Palabrica, ang nagtapos sa ika-4 na puwesto sa javelin throw na may 48.62 meters.
Comments are closed.