PINAY WORKER NA-TRAUMA SA PAMAMARIL NG MILITARY OFFICER

Baril

THAILAND – NA-TRAUMA ang isang overseas Filipino worker (OFW) sa Korat nang ma-trap sa isang mall nang mamaril ang isang military officer doon.

Bumibili lamang ng mga pasalubong para sa kaibigan sa Filipinas ang Pinay nang maganap ang kaguluhan at marinig ang putok ng baril.

Dahil sa language barrier, hindi nila maintindihan ang mga sinasabi at sinisigaw ng mga tao roon kaya’t nakisama na lang daw sila sa mga ito.

Itinago raw sila ng isang staff ng mall sa stock room ng gusali.

Laking pasasalamat naman niya dahil may nakasama sila sa stock room na nakaiintindi ng English.

Dito na niya nalaman na may hinostage daw ang sundalo na 10 indibiduwal ngunit nahihirapan ang awtoridad na iligtas ang mga hostage dahil may bomba umano sa kanilang mga katawan.

Sa nasabing pagwawala ng sundalong si Jakrapanth Thomma ay 29 katao ang nasawi habang 57 naman ang sugatan.

Kabilang sa pinatay ng gunman na ju­nior army officer ang isa sa kanyang opisyal.

Una nang tiniyak ng Thailand government na walang nadamay na Pinoy sa nasabing insidente. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.