PUMAYAG ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabiyahe ang mga traditional na jeepney simula kahapon hanggang sa Linggo, Hulyo 5 kahit wala pa silang QR Codes.
Hindi pa kasi nailalabas ng ahensiya ang QR Codes na nakapaloob sa Memorandum Circular No. 2020-026.
Nakasaad sa naturang MC, ang QR Code ang magpapatunay na ang naturang PUJ ay pinapayagang bumiyahe sa kanilang ruta na kabilang sa 49 na rutang binuksan ng LTFRB.
Paalala ng ahensiya, walang kailangang bayaran ang mga PUJ operators para bumiyahe sa mga awtorisadong ruta na nakalathala sa MC 2020-026.
Wala ring ipinatutupad na taas-pasahe sa pagbiyahe ng mga traditional jeeneys.
Kahapon ay limitado lamang ang bilang ng mga traditional jeep na nakabalik pasada dahil sa kawalan ng QR Code.
Ayon kay Efren De Luna ng grupong Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), napahiya lamang ang LTFRB kaya pinayagan silang bumiyahe kahit walang QR Code dahil sa umano’y pumalpak ang ahensiya.
Bukod dito ay inireklamo rin ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o Piston ang ilang inilatag na patakaran ng pamahalaan para sa pagbabalik-pasada ng mga tradisyonal na jeepney sa gitna ng pandemya.
Ito umano ang resulta kapag hindi alam ng mga opisyal ang tunay na kalagayan ng transport sector.
Tinuligsa ng transport sectors ang kakulangan ng paghahanda ng DOTr at LTFRB sa pagbabalik pasada ng libo-libong miyembro nila matapos ang apat na buwang quarantine restrictions.
Ilan sa mga patakaran na ipinatutupad ay dapat kalahati lamang ng bilang ng pasahero ang maaring isakay at panatilihin ang physical distancing upang hindi kumalat ang COVID-19.
Kailangan na kumuha muna ang mga jeepney operator ng QR codes sa LTFRB website, subalit pinalawig ito hanggang sa susunod na linggo matapos na magkaroon umano ng technical problem sa kanilang website. VERLIN RUIZ
698979 186275Hello DropshipDragon provides dropping for quality, affordable products direct from China to your customers. Perfect for eBay sellers and internet site owners alike! 704083
589894 186111Aw, it was an incredibly good post. In thought I would like to set up writing related to this in addition – taking time and actual effort to create a very very good article but exactly what do I say I procrastinate alot and also no indicates manage to go done. 180279
858522 461127Extremely very good written article. It will probably be helpful to anybody who usess it, including myself. Keep up the excellent work – canr wait to read far more posts. 307490
212351 530350Hey, you used to write amazing, but the last several posts have been kinda boring I miss your tremendous writings. Past few posts are just just a little bit out of track! come on! 591292