MAAARI nang bumalik sa kanilang normal operating hours ang malls sa Metro Manila makaraang hindi mangyari ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa gitna ng holiday season, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
“The anticipated traffic problems during the Christmas season did not come to pass, and an easing in the flow of traffic in Metro Manila’s thoroughfares has been observed despite the increase in Christmas-related activities,” pahayag ni MMDA acting chairperson Romando Artes
“Thus, foregoing considerations, shopping malls in Metro Manila may now begin operation as early as 9 a.m. starting December 23, 2022,” nakasaad sa isang memorandum circular na inilabas ng MMDA sa shopping mall operators.
Ayon kay Artes, ang memorandum ay magbibigay sa publiko ng mas maraming oras para sa kanilang last-minute Christmas shopping.
Noong nakaraang buwan ay nagkasundo ang MMDA at ang shopping mall operators na i-adjust ang mall operating hours sa 11 a.m.-11 p.m. simula November 14 bilang bahagi ng mga hakbang para mabawasan ang traffic congestion sa Metro Manila sa holiday season.
Naunang sinabi ng MMDA na inaasahan nito ang 50,000 karagdagang sasakyan sa lahat ng kalsada sa Metro Manila sa “ber” months.