BIGO ang Pilipinas sa ASEAN Grand Prix podium sa unang pagkakataon makaraang malasap ang dikit na 24-26, 22-25, 23-25 pagkatalo sa Indonesia, sa duelo para sa bronze kahapon sa Nakhon Ratchasima sa Thailand.
Ginawa ng national women’s team ang lahat para hindi mabokya sa kanilang kampanya ngunit kinapos sa bawat set.
Ang opening set ay isang ‘heartbreaker’ , kung saan ang mga Pinay ang unang nakarating sa set point na kaloob nina Michele Gumabao at Jema Galanza ngunit bigo itong tapusin ang set.
Ang back-to-back errors ng national women’s squad sa pagtatapos ng second set ang nagbigay sa Indonesians ng 2-0 set lead.
Nagsanib-puwersa sina Stiovanny Yoku Mediol at Nandita para sa Indonesia para baligtarin ang 22-23 deficit sa third at kumpletuhin ang straight-set romp.
Naipagpatuloy ng Indonesians ang streak sa podium finishes kung saan naiuwi nila ang bronze matapos ang three-day tournament na may 1-2 record.
Matapos ang back-to-back bronzes sa unang dalawang edisyon noong 2019, ang Pilipinas ay tumapos sa fourth place.