PINAYS, THAIS AGAWAN SA KORONA

Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Stadium)
4 p.m. – Myanmar vs. Vietnam
7:30 p.m. – Thailand vs. Philippines

SASAGUPAIN ng Pilipinas ang Thailand sa inaasahang epic rematch para sa 12th Asean Football Federation Women’s Championship crown ngayon sa Rizal Memorial Stadium.

Matapos ang 4-0 dominasyon sa defending champion Vietnam noong nakaraang Biyernes sa semis, umaasa ang mga Pinay na maigaganti ang nag-iisa nilang talo sa 11-nation competition kontra Thais sa kanilang salpukan sa alas-7:30 ng gabi sa harap ng inaasahang malaking hometown crowd sa heritage-rich arena.

Haharapin naman ng Vietnamese ang Myanmar, natalo sa Thailand, 0-2, sa isa pang semifinals match, sa duelo para sa third place sa unang laro sa alas-4 ng hapon.

Sa panalo ay nakamit ng hosts ang isa pang makasaysayang milestone sa pagiging unang Philippine football squad na umabot sa finals ng isang major international competition.

“To make the first final in history (by a Philippine football team) is a massive occasion. It is a special moment,” wika ni coach Alen Stajcic sa post-match press conference noong Biyernes ng gabi.

“It was a complete performance, probably it was the best performance that the Philippine women’s team had in international football,” pagbibigay-diin niya sa dominasyong ipinamalas ng kanyang tropa kontra minamalaking Vietnamese.

Bago pumasok sa semifinal match, ang Pilipinas ay itinuring na dehado kontra isang Vietnam squad na hindi pa nila tinalo sa kanilang huling pitong laro sa torneo.

Hindi rin malilimutaan ang dikit na 1-2 setback sa visitors sa group stage ng 31st Vietnam Southeast Asian Games women’s football meet nito lamang Mayo.

Subalit naglaro na puno ng kumpiyansa at bentahe sa kanilang fans, hinubaran ng korona ng World Cup-bound Filipinas ang reigning Southeast Asian women’s football queens.

Pinangunahan sila nina veteran defender Hali Long, na bumanat ng magandang header mula sa isa pang superb corner kick ni skipper Tahnai Annis sa 31st minute na nagpasimula sa atake ng mga Pinay.