KUNG ang ibang negosyo ay nagsasara dahil sa COVID-19 pandemic, si former Alaska at Rain or Shine player Ping Eximiniano at ang kanyang misis na si Elga Jugar Eximiniano ay lakas-loob namang magbubukas ng bagong business na EJ Beauty Lounge. Ang grand opening nito ay sa darating na October 18. Ang EJ Beauty Lounge ay matatagpuan sa 2nd floor, Han Lu 7, Centre Felix Ave. Pasig City
Ayon kay Mrs. Eximiniano, matagal na nilang nais magdagdag ng business. Bago magkaroon ng pandemic ay pinag-isipan umano
nila ang negosyong ito, lalo na’t lumalaki ang kanilang pamilya. “Seller at raketera ako noon pang 2013,” sabi niya.
Maraming pinagdaanan na hindi maganda sa pagnenegosyp si Mrs. Eximiniano, lalo na noong na-swindle siya ng malaking halaga ng isang kakilala, Hindi niya malaman kung papaano babayaran ang ninakaw ng walang pusong nanggoyo sa kanya.
Dahil sa tapang ni Elga ay nakabangon ito at naging inspirasyon niya ang kanyang asawa’t anak lalo na nang mawalan ng team si Ping, dahil sa kagustuhan na makatulong sa kanya ay naglaro ito sa ligang labas.
“Marami ang nagtatanong bakit sa gitna ng pandemic pa ako nagtayo ng negosyo. Para sa akin, kalian pa?’ Hindi habang buhay ganito ang mundo. Alam natin maka-ka-survive tayo and alam natin na tayong mga Filipino ay palaban sa buhay, nadadapa man tayo, marunong tayong lumaban at ‘di magpapatalo sa pagsubok. Normal na mapanghinaan ng loob. Pero tuwing nakikita ko ang mga anak ko, lalo kong gustong lumaban. I want to be a good mother to my kids and a good wife to my husband na hindi ako aasa lang sa kita ng asawa ko dahil marunong din akong dumiskarte sa buhay. Na kahit anong negosyo, basta wala kang tinatapakang tao at malinis ang intension mo, hindi mo kailangang mangamba. Dahil ang kapalit nun lahat, reward galing kay Lord. Risk taker lang talaga kaming mag-asawa. Kaya sa mga makakabasa nito, laban lang. Kapit lang. habang buhay, may pag-asa. Dumikit kayo sa mga taong makakabuti para sa inyo at sa pananampalataya ninyo at unti-unting aayos ang lahat,” kuwento pa ni EJ.
Isang aesthetics and beauty business ang EJ BEAUTY LOUNGE.Hilig kasi ni Mrs. Eximiniano ang magpaganda. Kahit sino naman, mapababae o mapalalaki ay nais laging magpa-beauty. Bago man sa negosyong ito ang mag-asawang Ping at Elga ay excited na sila sa opening.
October 18 ang bonggang opening dahil ang petsang 18 umano ay suwerte sa feng shui. GOOD LUCK!
Comments are closed.