PINGRIS COMMISSIONER NG PILIPINAS SUPER LEAGUE

MAGSISILBI si PBA star Marc Pingris bilang commissioner ng bagong tatag na Pilipinas Super League (PSL).

“Former national and professional basketball player Jean Marc Pingris joins Pilipinas Super League as Commissioner! Welcome Pinoy Sakuragi!” pahayag ng liga sa isang anunsiyo na ipinost sa social media account nito.

Si Pingris, isa sa  ‘most beloved’ PBA stars, ay isang 9-time PBA champion at  2-time PBA Finals MVP.

Naging bahagi rin siya ng silver medal finish ng Gilas Pilipinas sa 2013 FIBA Asia Championship na nagdala sa kanila sa 2014 FIBA World Cup.

Nagretiro si Pingris sa  pro basketball noong May 2021 matapos ang 16 seasons.

Ang Pilipinas Super League, isang regional league tulad ng MPBL, ay nakatakdang ilunsad sa Marso.