PINGRIS GIGIL NANG MAGBALIK-LARO

on the spot- pilipino mirror

NATATAWA ako sa mga coach na nagpapa-tryout para sa kanila-kanilang team. Paasa factor, dapat sana ‘yung mga coach sa una pa lang na nag-tryout ang mga player sa kanila ay sabihin na agad na hindi nila kursunada. Kesyo pababalikin nila hanggang tatlong araw.

Tapos kapag dumami at may nakitang bago ay saka ika-cut ‘yung matagal na nagta-tryout. Ang kawawang players, hindi malaman ang dahilan kung bakit hindi nakuha.

Pero may ibang coach na totoo kahit may masaktan pa. Sinasabi nila agad sa mga player kapag hindi kursunada. At least, totoong tao, ‘di ba, saka para makahanap agad ng pagta-tryoutan. ‘Yung iba kasi, PAASA EFFECT.



Sino kaya itong basketball player na iniwan ng kanyang nobya matapos na mahuli na may ibang babae? Akala naman ni girl ay malulungkot si player.  Ang totoo niyan, after hiwalayan blues ay nagparamdam naman ang player sa isang volleyball player na kabi-break din sa BF nitong basketball player.

Nakahihinayang ang dalawang partners dahil matatagal na ang kani-kanilang relasyon tapos  mauuwi lang sa wala. Ang isang couple ay nagpaplano na noon na magpakasal. Isa kami sa mga umaasa na magkakabalikan ang dalawang partners.



Isang buwan pa ang kakailanganin ni Marc Pingris bago siya isabak ng Magnolia Hotshots sa PBA Commissioner’s Cup. Napasyalan ko ang REHAB ng tubong-Pangasinan. Halos may limang oras ang ginugugol ni Marc upang mapabilis ang kanyang pagbabalik sa hardcourt. “Gusto ko kasi, 100% na ako ‘pag maglalaro ulit para naman magtuloy-tuloy na ang paglalaro ko,” ayon kay Pingris. Aniya, kulang ang oras niya para sa kanyang pamilya kasi nga ilang oras ang inilalaan niya para sa  pagpapalakas ng kanyang tuhod. Dagdag pa nito, kung ang fans niya ay inip na inip na sa kanyang pagbabalik, “mas lalo po akong gigil na gigil nang bumalik.”



Target ng skateboarding team na pinalakas ng top level Fil-foreigners na  ma-sweep ang walong golds sa 30th Southeast Asian Games.

Ito ang matapang na pahayag ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. president Monty Mendigoria sa kanyang pagdalo sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Forum kahapon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Babandera pa rin sa Philippine National Skateboarders si 2018 Asian Games gold medalist Margielyn Didal, kasama sina Renzo Mark Feliciano at Jeff Gonzales.

Kasama rin sa koponan sina Oregon-born Christiana Means at California-based Jericho ‘Kiko’ Francisco.

Inaabangan naman ang pagpasok ng isa pang Fil-Am at isang Fil-German upang palakasin pa ang kampanya ng koponan sa biennial meet.

Comments are closed.