PINGRIS MAGRERETIRO NA

on the spot- pilipino mirror

PLANO na rin pala ni Jean Marc Pingris na magretiro sa PBA. Mukhang susundan niya ang yapak ng kanyang kaibigang si PJ  Simon na iiwan na ang paglalaro at  isasabit na ang kanyang Magnolia jersey.

Ang16 years na paglalaro sa professional league ay hindi na masama. Marami na rin naman siyang napatunayan sa kanyang basketball career.  Naging miyembro siya ng national team sa Southeast Asian Games, FIBA Asia Championships at William Jones Cup.

Produkto siya ng Far Eastern University, kung saa gumawa rin siya ng pangalan. Taong 2004 nang pasukin niya ang PBA. Sa mga hindi nakaaalam ay asawa ni Pingris ang actress na si Danica Sotto na anak ni Bossing Vic Sotto.

Naging matagumpay naman si Marc sa kanyang basketball career. Katunayan, sa pagtulong sa kanyang ina sa pagtitinda ng mga gulay sa  palengke  ay maganda ang buhay nila ngayon. Napagawaan niya ng magandang bahay ang kanyang ina at nagkaroon ng mga lupain sa Pangasinan.

Hindi na rin kasi makabalik sa 100% na paglalaro ang tinaguriang Pinoy Sakurai ng PBA dahil na rin sa dami ng natamo niyang injury atang huli nga ay ang kanyang ACL sa  tuhod na mahigit isang taon na.

Nang makabalik siya sa paglalaro ay ‘di pa talaga niya kaya sapagkat wala sa timing ang tubong Pangasinan. Kaya muli na naman siyang huminto at hindi na rin siya sumama sa PBA bubble.

Si Pingris ay 9-time PBA champin (2000-2009), 2-time Finals MVP (2006 Philippine Cup at 2013 Governor’s Cup) 15-time PBA all-star player (2005-2019), PBA Most Improved player (2006), 3-time mythical second team (2006, 2013 at 2014), 3-time PBA Defensive Player of the Year (2006, 2013, 2014), 8-time PBA All-Defensive team (2006, 2008, 2010-2014, 2016) PBA All-Star Game MVP (2011), 42nd  member ng PBA 1,000 Offenseive rebound club, PBA Grand Slam champion (2014) at kabilang sa PBA 40 Greatest Players.



Mukhang tuluyan nang magpapaalam ang Blackwater Elite sa liga. Masyado raw apektado ng pandemya ang kompanya.  Bago pa magkaroon ng PBA bubble ay nagsabi na  si Mr. Dioceldo Sy na ibebenta  na nila sng kanilang franchise sa halagang P150-M. Sa pagkakataon iyon ay masama ang loob niya kay PBA Kume Willi Marcial. Ang  kapatid  na kasosyo sa negosyo ay umaayaw na sa PBA dahil bagsak ang kanilang kompanya.



Hindi pa nakaka-move on ang volleyball palyer na ito. Mula nang maghiwalay sila ng kanyang BF na basketball coach ay malungkot pa rin ito. Maganda ang spiker player at ma- appeal naman siya. Sabi ng isang co-volleyball player niya ay marami namang nagkakagusto sa magandang dilag. Dapat daw ay muli niyang buksan ang kanyang puso, tumanggap

ng mga manliligaw upang maka-move on siya. Tsika ng On the Spot, may bago nang nobya ang ex nito na coach kaya dapat lang na magising siya sa katotohanan.

Comments are closed.