PIÑOL FOOD AND SECURITY ADVISER NA

MAGIGING  Food Security Adviser si dating Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ito ay makaraang tanggapin ni Piñol ang posisyon para maging Food Security Adviser ni National Security Adviser, Sec. Clarita Carlos.

Ayon kay Piñol, sa kaniyang nilagdaang kontrata, siya ay magsusumite ng mga rekomendasyon para makamit ng bansa ang pagkakaroon ng food security.

Sinabi ni Piñol na nagpahayag ng suporta sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan na pawang eksperto sa nasabing larangan.

“By accepting the task, I and my friends are showing our love for country even as we remain in the private sector,” ayon kay Piñol.

Ang mga rekomendasyon ni Piñol ay isusumite kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pamamagitan ni Carlos.

Una nang sinabi ni Carlos na ang usapin sa pagkakaroon ng food security ay kasama sa dapat pagtuunan ng pansin para matiyak ang national security. LIZA SORIANO