PIÑOL: GALUNGGONGS DON’T HAVE NATIONALITY

Secretary Emmanuel Piñol

IPINAHAYAG ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol na walang nationality ang mga galunggong matapos lumabas ang isyu tungkol sa mga ini-import na isda sa bansa na ‘di umano’y galing din sa ating karagatan.

“We have been importing and this idea of Chinese galunggong, Taiwanese galunggong, Vietnamese galunggong–galunggongs don’t have nationality. The galunggong from China doesn’t have chinky eyes. That’s the same galunggongs swimming in the waters that we share with these countries, sila lang nakahuli. Ano ba problema dun?” paliwanag niya sa isang panayam.

Ayon sa kanya, noong nakaraang taon ay nag-import tayo ng halos 130,000 metric tons na isda at wala naman daw umangal dito kung kaya’t hindi naman na dapat ito pinapalaki.

Paglilinaw niya, kai­langan talagang mag-import ng mga isda dahil nagkakaroon ng closed fishing season. Magpapatuloy din ang pag-i-import ani niya dahil sa parte ito ng sustainable program ng gobyerno.

Hindi rin naman daw dapat isisi sa kanila ang pagtaas ng presyo ng galunggong na sa ngayon ay umaabot ang halaga sa P140 kada kilo.

“Agriculture is also being blamed for inflation. Agriculture only reacts to inflationary developments like fuel,” giit niya.

Epekto umano ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ang pagtaas ng mga presyo hindi lang ng isda kundi ng mga ibang pangunahing bilihin dahil sa pagtaas ng petrolyo. Ina­min niyang hindi nila napaghandaan sa departamento ang magiging epekto ng TRAIN.

“When we checked, the production cost actually barely increased, less than 1 percent but in the market, it was 5 to 10 percent. Nag-speculate ‘yung merkado (The market speculated) and I think what we should focus on right now is the market,” dagdag pa ni Piñol.

Comments are closed.