MINABUTI ni Agriculture Secretary Manny Piñol na manahimik sa media makaraang maghain siya ng courtesy resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang mensahe sa social media, sinabi ni Piñol na hahayaan na lamang niya ang kanyang sulat sa Pangulo na siyang magpaliwanag sa kanyang naging desisyon.
Aminado si Piñol na mababawasan na ang gabinete ng isang ‘madaldal’ tulad ng paglalarawan sa kanya ni Pangulong Duterte.
“To my friends in the media, President Rody Duterte has described me as just talkative, so there will be less audio coming from my side from now on. Also, to those who would like to set interviews with me to discuss my offer to resign which I submitted to the President through Senator Bong Go yesterday, I am sorry but I will not give any statement on the matter.”
Sa kabila nito, todo pasalamat ang kalihim sa Pangulo at sinabing bilang isang sundalo at mandirigma, handa niyang tanggapin anuman ang ibigay na susunod na trabaho sa kanyang ng Presidente.
Tiniyak din ni Piñol na magpapatuloy pa rin ang kanyang mga adbokasiya kahit wala na siya sa Kagawaran ng Agrikultura.
Una na ring lumutang na gusto ng Pangulong Duterte na mailagay si Piñol sa Mindanao Development Authority (MinDA) dahil kabisado na nito ang gagawing mga istratehiya, partikular na sa mga suliranin na kinakaharap ng rehiyon.
“I am a soldier of the President and I believe that a warrior does not choose the battle fields nor the battle. It is not the size of the battle field or the odds that matters but it is how you fight to win the battle,” pahayag pa ni Piñol sa kanyang social media account.
“Until such time, the President decides on where to field me to wage another battle, I will continue my advocacies and work in the Department of Agriculture. Take it from there. Thank you.” nakasaad sa liham ng pagbibitiw ni Piñol. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.