PIÑOL NAPILI BILANG FOOD SECURITY ADVISER

SINABI  ni dating Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol nitong Huwebes na napili siya bilang food security adviser ni incoming National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos.

“Yes [I was picked]. Actually, si Secretary Clarita Carlos kaibigan kong matagal na. She was my consultant when I was DA Secretary,” ayon kay Piñol.

Ayon kay Piñol, sang-ayon siya kay Carlos na dapat isaalang-alang ang food security bilang national security concern.

“Food security is an important component of national security,” ayon kay Piñol.

Si Piñol ay hinirang na kalihim ng Agrikultura noong 2017 ngunit nagbitiw noong 2019 matapos ang umano’y conflict sa economic team ng administrasyong Duterte.

Ayon sa kanya, nararamdaman na ng mga tao ang nagbabadyang krisis sa pagkain.

Aniya, may banta sa food security dahil sa limitadong volume ng rice exportation ng Thailand at Vietnam at ang pagtaas ng presyo ng trigo. LIZA SORIANO