PIÑOL SA RICE TRADERS: DO ‘BUSINESS WITH SOCIAL CONSCIENCE’

Agriculture-Sec-Emmanuel-Piñol.

NGAYONG maluwag na ang rice importation sa pagpapatupad ng Republic Act No. 11203, hinimok ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang rice traders at importers na magkaroon ng kamalayan sa sitwasyon ng supply sa merkado para hindi magkaroon ng oversupply ng pa­ngunahing pagkain.

Sa kanyang mensahe na binasa ni Agriculture Undersecretary Ariel Cunanan sa Rice Traders Forum noong Lunes na ginanap sa Ayuntamiento de Manila sa Intramuros, Manila, sinabi ng DA chief na ang oversupply ay magreresulta ng “depressed prices of rice in the market which will hurt our local farmers whose lives our government is concerned with now”.

Binigyang-diin niya na ang mga mahihirap na magsasaka ay posibleng magbigay ng seryosong problema sa bansa dahil ang mga magsasaka ay madaling makumbinsi ng mga grupong radikal na gustong magkaroon ng destabilisasyon sa gob­yerno.

Binigyang-diin ni Piñol na malaki ang ginagampanan ng  rice importers sa pagkakaroon ng rice sufficiency sa  bansa.

Bagama’t nagkakaroon ng pagsisikap at pag-unlad ay ginagawa ito para madagdagan ang produksiyon ng bigas sa bansa, sinabi ng DA chief na “we will have a shortfall of about 1.6 to 2.0 million metric tons (MT) every year to sufficiently feed our country”.

“This is where the rice importers and traders come in so that the gap could be filled up,” dagdag pa niya.

Para sa taong 2019, target ng DA ang 20 million MT na produksiyon ng bigas na katumbas ng 93-percent rice sufficiency sa kabila ng pagkakaroon ng El Niño phenomenon na nakaapekto sa rice-producing provinces.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Andrew Villacorta sa isang panayam sa rice importation, na sa ilalim ng  Rice Liberalization Act, ang inaasahang pinsala at pagkalugi sa bigas dala ng El Niño ay magi­ging 0.96 porsiyento na lamang o nasa 190,000 MT ng palay (unmilled rice).

“Noong nagdaang linggo, nakipagkita kami sa regional directors at nakapagtataka na may tatlong rehiyon na nag-report ng kanilang pagtaas sa produksiyon ng bigas. Hinuhulaan ng Central Luzon ang 22-porsiyento, Ilocos region ng 14 percent, at Cagayan Valley ng 3 percent,” sabi niya.

Dahil dito, sinabi ni Villacorta, “we’re expecting more than 400,000 MT increase in palay output, which will be enough to compensate the loss of 190,000 MT. This is why, we’re confident to maintain our target at 20 million MT this year.”

Sa RA 11203 o sa rice liberalization law, ang pagkuha ng permit para makapag-import ng bigas ay madali na ngayon dahil kailangan lamang ng traders na kumuha ng sanitary at phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry (BPI) at magbayad ng tariff rate.

Pero, habang madali ang proseso para sa traders at importers na magnegosyo, sinabi ni Piñol sa kanila na, “the government expects you to be aware of your moral obligation” at “to embrace the philosophy of business with social conscience.”

“This is not just about importation of rice so that you will earn profit. It is also about ensuring that the people who produce food for this country are also lifted out of poverty,” dagdag pa niya. PNA

Comments are closed.