(Pinoproseso pa ng DBM) HAZARD PAY SA HEALTH WORKERS

Leopoldo Vega

KINUMPIRMA ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na ang hazard pay at special risk al lowance para sa mga health frontline worker mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito ay hindi pa nailalabas dahil pinoproseso pa ito ng Department of Budget and Management (DBM).

Matatandaang matagal nang idinaraing ng mga health worker na siyang nasa forefront ng giyera ng bansa laban sa COVID-19 ang kanilang mababa at delayed na sahod.

Hindi pa rin umano nila natatanggap ang kanilang hazard pay simula nitong Enero.

“’Yung hazard pay saka special risk allowance… itong January hanggang June 2021 ito hinihingi namin sa DBM… ‘Di pa nare-release pero alam ko nagagawa na ito,” ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, sa panayam sa radyo.

Kinumpirma rin ni Vega na marami nang health workers ang nagbibitiw sa kanilang trabaho, at nagpahayag ng pangamba na magresulta ito sa ‘understaffing’ sa mga pagamutan.

Upang masolusyunan naman ang problema, sinabi ni Vega na nagbukas sila ng 10,300 health worker positions sa buong bansa upang madagdagan ang operasyon sa health facilities.

Una nang tiniyak ng DOH sa publiko na may sapat na pondo ang pamahalaan para magdagdag ng health workforce sa gitna ng COVID-19 cases surge.

Sinabi na rin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na binigyan na ng DOH ng sapat na pondo ang mga pagamutan para sa direktang hiring ng health workers. ANA ROSARIO HERNANDEZ

3 thoughts on “(Pinoproseso pa ng DBM) HAZARD PAY SA HEALTH WORKERS”

  1. 825394 619754If you tow a definite caravan nor van movie trailer your entire family pretty soon get exposed to the down sides towards preventing very best securely region. awnings 80184

Leave a Reply

Your email address will not be published.