PINOY, 10 PA NASAWI SA PLANE CRASH

plane crash

USA – KABILANG ang isang Filipino na kumpirmadong kasama sa mga namatay matapos bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano sa Hawaii noong  Hunyo 21.

Nabatid na umabot sa 11 katao ang nasawi kasama ang mismong piloto sa nasabing plane crash.

Kinilala ang nasawi na si Jordan Tejero, 23-anyos, na dating kasapi ng US army, tubong Ilocos Sur pero kasalukuyang naninirahan sa Kauai.

Sinabi ni Pascua na pupunta sana si Tejero sa Honolulu para magsagawa ng skydiving nang mangyari ang insidente. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.