PINOY 2 TAON MAKUKULONG SA PAG-ABUSO SA MGA KABABAYAN

CANADA – DALAWANG taon ang inihatol  na parusa sa isang  Filipino businessman makaraang ma-convict sa kasong exploitation sa kapwa Filipino foreign workers sa bansang ito.

Si Hector Mantolino,  na nagmamay-ari ng iba’t ibang  cleaning and maintenance companies, ay ginamit ang Temporary Foreign Wor­kers Program ng Canada para makakuha ng 28 workers mula sa Filipinas.

Sa ulat, binarayan ni Mantolino ang mga worker ng $500,000 na mababa sa itinala niyang suweldo ng mga ito.

Inutusan din umano ni Mantolino  ang kanyang mga tauhan na magsinungaling hinggil sa kanilang suweldo at tinakot na matatanggal sa trabaho.

Ilan sa mga manggagawa ay nagsabing nakatanggap sila ng Canadian wage subalit nakatanggap lamang ng $3.13 per hour net daily sa iba’t ibang deductions.

Ibinigay ni Judge Glen McDougall ang kanyang desisyon laban kay Mantolino habang isa sa mga nabiktima nito ay nasiyahan dahil maparurusahan si Mantolino.

Ang nasabing kaso ay umabot sa anim na taon bago desisyonan. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.