WALANG naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) mula Middle East at America.
Ang nasabing mga bansa ay kabilang sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID-19 pandemic sa buong mundo
Gayunman, sa talaan ng Department of Forreign Affairs (DFA) kahapon, may nadagdag na 16 na nagposiitbo sa COVID sa Asia and the Pacific at Europe , habang 9 naman ang nakarekober sa sakit.
Sa kasalukuyan ay may 70 ng mga bansa ang apektado ng COVID na kung saan may mga nagtatrabaho at naninirahang Pinoy .
Sa latest report ng DFA , umaabot na sa 9,208 ang kumpirmadong kaso ng COVID ng mga Pinoy na nasa ibang bansa habang 3,174 ang kasalukuyang ginagamot.
Nakapagtala naman ng 5,387 rocevered o nakalabas na ng ospital at 647 ang namatay dahil sa COVID-19. LIZA SORIANO
Comments are closed.