(Pinoy, Amerikano sanib-puwersa) 16K SUNDALO LALAHOK SA BALIKATAN 2024

KABUUANG 16,000 na sundalong Pinoy at Amerikano ang lalahok as 2024 Balitakatan Exercises sa susunod na buwan.

Bahagi ng pagsasanay ang gagawing group sail sa West Philippine Sea kung saan makakasama nila ang isang barko ng French navy

Nakalatag na rin ang preparasyon ng Armed Forces of the Philippines sa pagbubukas ng Balikatan Exercise 2024 sa April 22.

Kasama sa main event ng pagsasanay ang gagawing sinking exercise o pagpapalubog ng barko sa Laoag, Ilocos Norte.

Kung dati ay limitado lang sa 12 nautical miles ang pagsasanay, ngayon ay maari pa raw silang lumagpas dito.

“All countries big or small has the right to defend itself, this right is absolute and inalienable. we are not deterred by how other countries think about what we are doing ok, i want to make that clear kasi you cannot defend the country worried about what other people are thinking. so they will have to pick it as it is,” ayon kay Col. Michael Logico, spokesperson ng Balikatan 24.

Magiging bahagi naman ng observers ngayong taon ang representative mula sa 14 na bansa kabilang ang Japan, australia at Germany.

Nitong Martes ay bumisita sa Malakanyang si US State Secretary Anthony Blinken kung saan siniguro ang matibay na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.
EUNICE CELARIO