MULI na namang ipinamalas ng mga Pinoy ang kanilang galing nang humakot ng 13 gold, 14 silver at 17 bronze medals sa katatapos na 10th Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines-Northern Territory-East Asian Growth Area (BIMPNT-EAGA) Friendship Games sa Hassanal Bolkiah National Sports Complex.
Nilapatan ng finishing touches nina John Lloyd Cabelo, Jessel Lumapas, Elah Janica Liwag, Juan Miguel Dalangin, Fritz Jun Rodriguez at Mark Anthony Casenas ang medal campaign ng Filipinas na namayani sa kanilang paboritong events at muling kinuha ang paghanga ng mga kalaban.
Nagwagi si Lumapas sa 100m na kanyang dinomina sa Palarong Pambansa kung saan kinoronahan siya bilang ‘queen of sprint’ at nanalo si Cabelo ng dalawang ginto sa athletics sa pagtatapos ng weeklong sports competition.
Namayani rin sina Liwag at Dalangin sa mixed doubles poomsae taekwondo, wagi si Rodriguez sa swimming at nanalo si Casenas men’s long jump na tumalon ng 6.77 meters.
Sinabi ni delegation head at PSC Commissioner Charles Raymond Maxey na kahanga-hanga ang ipinakita ng mga Pinoy sa kabila na mabibigat ang mga kalaban.
“Our athletes made impressive showings despite strong opposition. They showed their worth and overcame strong challenge from other athletes. I praised them for their efforts,” sabi ni Maxey. CLYDE MARIANO
Comments are closed.