HINIRANG ng American banking giant Citigroup si Filipino veteran banker Paul Favila bilang bagong country officer and chief executive officer (CEO) for the Philippines.
Papalitan ng 29-anyos na si Favila si Aftab Ahmed, na itinalaga bilang Citi Taiwan CEO noong January.
“I am deeply honored by the trust placed on me by Citi. We are excited by the economic opportunities that abound in this country and will continue to focus on enabling growth and progress in the Philippines. As we have done in our past 120 years, we will bring the full power of Citi’s global network in delivering excellent service to our clients. I look forward to leading our 7,000 strong franchise into the next era of global business,” sabi ni Favila.
Si Favila ang magiging unang Filipino country head ng Citi Philippines sa loob ng mahigit 35 taon.
Kung gugunitain ang kasaysayan sa banking system ng Citi Philippines ay maituturing na kauna-unahang Filipino country chief ng Citi si late-Rafael Buenaventura.
Nang lumaon, si Buenaventura ay nahirang bilang gobernador ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP). Sa kanyang pamamahala ay lumago ang banking system ng Citi Philippines.
Si Favila ang kauna-unahang Fililino Citi CEO na nagsagawa ng moderno at mahusay na pamamahala sa institutional banking businesses, partikular sa mabilis na paglago at paglaganap ng banking service center operations.
Ang Citi Philippines ang nagpatupad ng consumer and retail banking business sa bansa na siya rin ngayong pinangangasiwaan ng Aboitiz-led Union Bank of the Philippines.
Bantog ang surname na Favila sa sirkulasyon ng pamamahala sa sistema ng pamamalakad sa banking business. Siya ay anak ni former Trade Secretary and Monetary Board Member Peter Favila na ang termino sa serbisyo ay magtatapos sa July 2023.
Si Mr. Peter Favila ay naging head ng iba’t ibang kilalang banking institutions sa bansa gaya ng Philippine National Bank (PNB) at Security Bank (BS).
Sa kasalukuyan, ang batang Favila ay treasurer at head ng Citi markets. Ito rin ang in-charge sa foreign exchange, rates, commodities at structured solutions business sa bansa.
Umanib siya sa Citi noong 1993 bilang assistant fortolio manager at Citi Bank Global Asset Management hanggang ma-assign sa iba’t ibang mahalagang tungkulin sa Citi Markets.
Bago pa niya pinamahalaan ang Citi Bank Manila trading business noong 2004, naging bahagi rin siys ng unang batch ng Citi Bank Asian sa ilalim ng tinawag na “Tiger Program.”
vvv
(Para sa opinyon, mag-email sa [email protected] o tumawag sa 09266481092.)