TIWALA ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na muling maibabalik ang sigla ng baseball sa bansa.
At ito ay magsisimula sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games kung saan makatitiyak ng gold medal ang bansa sa men’s baseball.
Ito ang pagtitiyak nina PABA vice president Rod Tingzon Jr. at secretary-general Pepe Muñoz sa kanilang pagbisita sa 46th Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila kahapon.
Kasama sina coaches Orlando Binarao at Edgar de los Reyes at players Erwin Bocato at Jennald Pareja at Esmeealda Tatag at Wenchie Bacarusas, buong pagmamalaking ipinahayag ng dalawang high-ranking PABA officials ang kanilang kahandaan na makipagtagisan ng galing sa iba pang SEA countries sa baseball, na gaganapin sa New Clark City mula Nobyermbre 30-Disyembre 11.
“Naniniwala kami sa PABA, sa pangunguna ni president Chito Loyzaga, na tayo ang mananalo ng gold sa men’s baseball sa darating SEA Games. Sigurado na ‘yan,” pahayag ni Tingson sa weekly sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association.
Ang kumpinyansang ito ng dalawang PABA officials ay bunsod na rin ng mga nakalipas na panalo ng bansa sa men’s baseball.
“’Yung mga makakalaban natin sa SEA Games, tinalo na natin dati bagaman walang baseball sa huling tatlong edisyon ng SEAG dahil hindi naisama ng host country,” saad ni Binarao.
Inanunsiyo naman ni Munoz na may ilang Filipino-foreigners ang nagnanais na makasama sa national baseball team.
Samantala, buo rin ang pag-asa nina Munoz at Delos Reyes na sisikat din ang women’s baseball kahit pa hindi ito nakasama sa darating na SEA Games.
Muli na namang nakalasap ng pagkatalo ang Rain or Shine kamakalawa ng gabi laban sa NLEX. Bagaman mahusay ang bagong import ng Elasto Painters na si Rich Ross ay hindi pa rin ito umubra sa tropa ni coach Yeng Guiao. Hindi nakapaglaro si Ray Nambtac dahil nagkaroon ito ng sprain sa kaliwang paa matapos niyang maapakan ang paa ni Justine Brownlee noong huling makaharap ng team Gayundin si James Yap na nagpapagaling ng kanyang tuhod. May pitong talo na ang ROS pero may pag-asa pa ang koponan ni coach Caloy Garcia. Kailangan lamang nilang maipanalo ang nalalabi nilang tatlong laro.
Pinabulaanan ni Gov. Rene Pardo ang kumalat na balitang iti-trade si Jio Jalalon sa Ginebra. Kaya pala ilang laro rin na hindi maganda ang ipinakita ng dating player ng Arellano University. Katunayan, ni-renew ng dalawa pang taon ang kontrata ng player sa team. Nakatutok ang puso’t isipan ni Jio sa Magnolia sa kasalukuyan. Sana nga ay walang katotohanan, pero saan nanggaling ang apoy? Bakit may usok na lumabas? Nag-tatanong lang naman.
Comments are closed.