PALALAKASIN ng 12 Filipino-Americans at isang Filipino-Japanese ang kampanya ng Filipinas sa World Baseball Classics na lalarga sa March 17 sa Tucson, Arizona, USA.
Sasabak ang mga Pinoy kasama ang kanilang reinforcement sa torneo na mataas ang morale sa kanilang panalo sa East Asia Cup at 30th Southeast Asian Games.
Sa masusing gabay ni US Major League coach William Bill Picketts, katuwang sina coach Wilfredo Hidalgo, Vince Sagisi, Rainel Caranto. Miles Sebastian at Japanese Keiji Takayama, makikipagsabayan ang mga Pinoy sa mga katunggali.
“This is not an ordinary baseball competition. The world’s baseball giants are taking part. We commissioned the services of 12 Fil-Ams and one Fil-Jap to reinforce the team to have a good fight,” sabi ni Philippine Amateur Baseball Association (PABA) secretary general Pepe Munoz sa eksklusibong panayam ng PILIPINO Mirror. CLYDE MARIANO