MATIKAS na sinimulan ng Philippine baseball team ang kanilang kampanya sa BFA 29th Asian Baseball Championship makaraang pataubin ang China, 1-0, nitong Martes sa Taichung, Taipei.
Kaagad na sumabak sa pagsasanay ang Pinoy batters matapos na dumating sa Taipei Sabado ng hapon at hindi nagsayang ng pagkakataon para mailagay ang kampanya sa tamang direksyon sa eight-team meet.
“We’re off to a good start. Kahit kaunting panahon lang ‘yung adjustment ng ating team, maganda ang nilaro,” pahayag ni Philippine Baseball Association of the Philippines president Chito Loyzaga.
Kasama sa delegasyon si PABA board member Mayor Felipe ‘Ping’ Remollo ng Dumaguete City.
Ayon kay Loyzaga, ang torneo ay bahagi ng paghahanda ng national team sa 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nobyembre.
Bukod sa China, kasama rin ng Filipinas sa Group B ang Pakistan at powerhouse Korea. Nasa Group A naman ang Japan, Chinese Taipei, Hongkong at Sri Lanka.
Comments are closed.