MULING naglabas ng babala at paalala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) laban sa mga scammers online na nanloloko sa pamamagitan ng love scam.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, pinag-iingat niya ang publiko laban sa sindikato na nang-aabuso sa kahinaan ng mga Pilipino na naghahanap ng biracial relationships o kasintahan na dayuhan.
“With the re-opening of our borders to foreign tourists comes the return of the love scam,” ayon kay Morente.
Ayon kay Morente, modus operandi ng sindikato na nakikipagkaibigan online at pangangakuan nila ng regalo, biyahe at pakakasalan ang kanilang mga biktima kung saan ginagamit ang mga pekeng dayuhan na magsasabing pupunta sila ng Pilipinas para pakasalan ang target na Pinoy.
“Upon the scammer’s supposed arrival in the Philippines, he will claim that he is being held by immigration authorities, or sometimes by other government agencies,” ayon kay Morente. “The scammer then will dupe his victim in depositing large sums of money in exchange for his freedom,” dagdag pa nito.
Ang paalala ay bunsod ng mga natanggap na ulat ng BI nang umano’y mabiktima ang isang Pinoy kung saan ang kanyang partner ay sinasabing hinarang sa Davao International airport.
“This scammer had the audacity to use my name for his scheme. It is not within our jurisdiction to check bags of arriving passengers. We are concerned with the person and their documents, and not his luggage,” pagkaklaro ni Morente. “Upon checking, no such foreign national arrived in Davao,” dagdag pa nito.
Paalala ni Morente sa mga Pilipino na may nakilalang dayuhan sa online na mag-ingat at kilalaning mabuti ang pagkatao nito bago sila makikipagtagpo.
“Do not be fall prey to these swindlers and fraudsters that will promise you heaven and earth, only to be duped of your hard-earned money,” paalala pa ni Morente. PAUL ROLDAN/FROILAN MORALLOS