PINOY BOXERS MABIGAT ANG LABAN SA VIETNAM SEAG

Ed Picson

TULAD sa mga nagdaang Southeast Asian Games ay inaasahang magiging mahigpitan ang labanan sa boxing ng mortal na magkaribal na Pilipinas at Thailand sa 31stedition ng 11-nation biennial meet sa Vietnam.

“Philippines and Thailand had long running feud in boxing in the SEA Games. I am expecting another exciting match up of the two superpowers in boxing in the region,” sabi ni ABAP president Ed Picson sa panayam ng PILIPINO Mirror.

Inamin ni Picson na dadaan sa matinding pagsubok ang mga Pinoy sa kanilang pakikipaglaban sa Thais sa ibabaw ng ring sa Hanoi.

Sinabi ni Picson na malakas din ang ibang boxers ngunit mas malakas ang mga Thai na laging kalaban ng mga Pinoy para sa supremacy sa boxing sa SEA Games.

“The other boxers are good. Subalit mas higit na malakas ang mga Thai na gustong bawian ang mga Pinoy sa Vietnam,” wika ni Picson.

Sa kabila na malakas ang Thailand at ibang mga kalaban, kumpiyansa at naniniwala ang dating PBA sportscaster turned boxing head na muling mangingibabaw ang mga Pinoy tulad sa mga nakaraang SEA Games.

“Malaki ang tiwala ko sa ating mga palabang boxers, kaya nilang manalo dahil ensayado at physically and mentally fit na harapin ang mga kalaban,” ani Picson.

Ang SEA Games sa Vietnam ay una ni Picson bilang ABAP president kapalit ni dating Philippine Olympic Committee president Rickey Vargas.

Dinomina ng Pinas ang boxing sa 2019 SEA Games na ginanap sa bansa sa pagwawagi ng pitong ginto, tatlong pilak at dalawang tanso. Determinado ang mga Pinoy na panatilihin ang kanilang dominasyon sa boxing sa muli nilang pagsagupa sa mga katunggali matapos ang tatlong taon.

Pangungunhan nina Tokyo Olympics silver medallist  Nesthy Petecio st bronze medalist Felix Eumir Marcial, at Olympian Irish Magno, kasama sina Jogen Ladon, Joel Bacho, Mario Fernandez, Maricris Igam, Aira Villegas at Riza Pasuit ang kampanya ng mga Pinoy boxer.          CLYDE MARIANO