JAKARTA – Muling nangibabaw ang South Korea sa Filipinas, 91-82, upang sibakin ang mga Pinoy sa medal race sa 2018 Asian Games basketball competition dito kahapon.
Nagpaulan ang Koreans ng tres at muling nanalasa si naturalized player Ricardo Ratliffe upang tapusin ang pag-asa ng mga Pinoy na makaabante sa medal round sa sport na kinahuhumalingan ng bansa.
Nagpakawala ang Koreans ng 12 triples, lima sa fourth quarter kung kailan sila kumawala. Naging matatag na puwersa si Ratcliffe, dating import ng Star Hotshots sa Philippine Basketball Association, sa buong laro para sa South Korea, sa pagkamada ng game-high 30 points at 14 boards.
Apat sa 27 assists ng Korea ay nagmula kay Ratcliffe, patunay ng bagong ball movement na nagpabagsak sa depensa ng tropa ni coach Yeng Guiao.
“It’s my fault, I take responsibility for this loss,” wika ni Guiao, na ang mga bataan ay hindi napigilan ang mga pinakawalang tres ng Koreans, si Ratliffe at ang zone defense.
“We just weren’t comfortable with the zone. Even Jordan (Clarkson) had a lot of problems dealing with it. They just zoned us all game long. They stuck with the zone, lived and died with the zone, and we couldn’t adjust in time,” dagdag ni Guiao.
Kahit nang lumamang ang mga Pinoy sa 54-46, ang Koreans ay nanatili sa kanilang zone at patuloy na nagpasabog ng tres.
Nang gawin nila ito sa fourth quarter ay nagsimula nang lumayo ang Koreans sa 72-68, sa tres ni Heo Ilyoung.
Pansamantalang napigilan ni Stanley Pringle ang paglayo ng Koreans sa pamamagitan ng isang reverse layup, subalit isang dunk ni Ratliffe at isang tres ni Heo ang nagpalobo sa bentahe sa 77-70.
Tumapos si Clarkson na may 25 points at 8 rebounds, habang nag-ambag si Fil-German Christian Standhardinger ng 16 points at 9 boards.
Sa pagkatalo ay bumagsak ang Filipinas sa classification phase kung saan ang pinakamataas na makakamit nito ay fifth place, mas mataas pa rin sa seventh na natamo ng Gilas Pilipinas counterpart nito sa 2014 Incheon Asiad.
“We’ll go for fifth. It’s the least we could do,” ani Guiao.
Iskor:
Korea (91) – Ratliffe 30, Kim Sunhyung 17, Heo Ilyoung 17, Lee Seounghyun 11, Jeo Junbeom 9, Heo Ung 6, Lee Junghyun 1, Park Chanhee 0, Choi Junyong 0.
Philippines (82) – Clarkson 25, Standhardinger 16, Pringle 14, Lee 11, Norwood 5, Almazan 5, Tiu 3, Belga 3, Erram 0, Taulava 0.
QS: 22-18; 42-44; 64-65; 91-82
Comments are closed.